analyzations, part 2. sa tagalog format pa rin.
Sunday, May 21, 2006dear blogger,
alam mo na ba ang pakiramdam ng naipit? oo, yung naipit ka sa dalawang kwentong hindi mo kahit kelan kakampihan ang kahit isa man doon. naranasan mo na ba yon? iyon na ba ang nagagawa ng salitang yun ngayon? ang tatlong salitang yun na maaring makapagbago ng buhay mo. kung babalik ako sa pagiging inosenteng bata at magtatanong sa yo na kung bakit pinipili mo ang ibang pagkain na hindi ko pa nakikilatis ng mabuti, magpapaliwanag ka ng mabuti hanggang sa dumating yung oras na hindi mo alam ang isasagot sakin.
magulo ata yung huling sinabi ko ah.
bakit kelangan maraming masaktan dun? hanggang ngayon nabibilib ako sa taong yon. handa na syang magparaya. hindi ako natutuwa, pero natutuwa ako na hindi lahat ng lahi ni tatay Adan, bato. napakahirap nun para pagpasyahan. taon din ang inabot nya para magawa nang tama ang... tumawa sa harap nya. at ngayong nagawa nya, nasira naman ulit ng isang pangyayaring parang nauulit lang. saksi ako sa lahat. anu bang magagawa ko... walang nakakaintindi sa random na pinagsasabi ko. nangungusap ako bilang isang kaibigan, hindi bilang isang taong masaya dahil me mahal. nalulungkot ako, gusto ko isigaw. pareho kong kaibigan ang mga yon. naririnig ko ang magkabilang opinyon, at itinatago ko nalang sa sarili ko ang bigat. ayos lang sakin yun. walang makakaintindi. gawain ko na to dati. tanggulan ako ng halos lahat. walang nakakatuwa sa pangyayaring ito maliban sa pagpapasalamat ko sa lubos nilang pagtitiwala sakin.
sigurado ako, hindi lang naman ang nagpaparaya ang nasasaktan. kahit ang pinalaya. sa larong ito, hindi lang isa ang bida. hindi yun matatawag na karanasan.
sigurado ako, hindi lang naman ang nagpaparaya ang nasasaktan. kahit ang pinalaya. sa larong ito, hindi lang isa ang bida. hindi yun matatawag na karanasan.
kilala nyo ang mga sarili nyo. sana... sana walang magbabago. kahit para nalang... sa isang hamak na kaibigan nyong ako. mahalaga kayo sakin e.
kain ka nalang nyan... in-fairness na-miss ko to. antagal nawala nito. sa antipolo ko lang pala ulit makikita.
scramble. with or without 'm'. wid da chocolate syrup sa ibabaw pa. hehe. sarap.
hindi nakukuha sa madalian ang lahat.
0 comments