[no subject]
Monday, April 03, 2006how i wish i could go at gabo's house by the 5th! waw! earlier than the batangas getaway huh! tama na rin yun, so that i could enjoy myself before the doom's day the next day. sheesh. ill come ill come! weeee!
another poem! im not so bored, you know. malapit na. btw, i did this one theory morning... while kring--- err... este, ma'am solomon was discussing. do you know some trees that have small orange flowers on top and if it was blown by the wind it would shower you like rain? astig! but in my case, whenever i am alone (as in mag-isa) and i was there underneath passing by, i can't help but to cry. really.. such a weirdo huh! hehe, that's an FYI to you.
here it goes.
Siar
Ayokong mag-isa…
Naririndi sa mga dahong sumasayaw
Na tanging hangin ang may sala
Sumasabay sa pagitan ng buntong-hininga
Ayokong mag-isa…
Naglalakad habang masayang
Pinaliliguan ng mga mumunting bagay na iyon
Tatlong taon mula noon.
Ayokong mag-isa…
Takot akong labis na mabatid
Panahon na naman ng tag-init
Alaala mo ang nasa isip.
Ayokong mag-isa…
Daraanan ang mga punong minsan ay naging saksi
Lumilipad ang isip, sa ulap nakalutang
Tinatanong sa sarili kung ako ba ay nagkulang.
Ayokong mag-isa…
Isang katotohanang pilit ikinakaila
Mga bagay na parang nyebe sa langit nagmula
Ang puno ng Siar ay nagbunga na.
Sinong may gustong laging nag-iisa?
Ang mundo’y kahit mag-isa’y maligaya
Bakit ba sila ang lumuluha?
Mga puno ang umaalo sa puso kong kawawa.
Isang pag-aanyaya sa pagbabalik-tanaw
Isang pangyayaring sa puso ko’y malinaw
Sana’y di nalang nakiusap na
At hindi na nasaktan nang iwan mo akong mag-isa.
..........
1 comments