p l a s t a d o . . .
Sunday, January 22, 2006^^^ ang timpla :: wala sa subject entry ko... stupid! ^^^
^^^ main dish :: relienong bangus ^^^
^^^ dessert :: My Humps ~Black Eyed Peas ^^^
...
...
/pif
kapagod... kahit pa na-excite ako sa laban ni paquiao at morales, nakakapagod pa rin ang unang araw sa GK site sa Sta. Ana for our CWTS off-campus activity... pra kaming na-promote... err--- diba dati kase ang mga CWTSers ay mga naglilinis sa mga baranggay? kami iba. construction at ala gardening kami... wow diba?
ang init sa balat nung araw... nakalimutan naming magdala ng warmer... cap lang at towel at ang mega tumbler... eh anu ngayon? hahaha... nung pagpunta pa sa site na yun halos mabaliw kami kakaisip kung baka lumagpas na kami o anu... sa totoo lang, nakarating na kami dun ng pagod... at ang init init pa rin...
matapos ng assembly, ayun na, nagsimula na ang trabaho... naging 'human chain' kami, pasa-pasa ng mga timbang me lamang cement... kasagsagan ng alas-10 to 12 na ganun kami... saya diba? sa init nun... gusto mo ng tubig...
naglunch break... ang saya kasi mejo nag-iinit na ang usapan sa laban nila paquiao... village yun remember? ang mga tao rin dun kahit mga construction workers nakikinood. kaya ayun... hay ang telebisyon talaga! walang idinulot na ikabibilis namin!
me alas-2 na ng magsimula ulit kami... in a short while nakapag pala ako ng cement na ilalagay sa timba para ipasa ng human chain... tas halo... halo... halo... ayun na ung cement mixer... inakyat yung malaking half drum at pinukpok... tapos halo... halo... halo ng mga naunang inakyat na cement... tas lagay sa timba... ganun ganun lang... tas binigay ko sa iba para makakuha naman ako ng mga pabalik na timbang walang laman... ganun lang sa maghapon...
break time ulit sa alas-3... tas last round na ng laban ni paquiao sa mga kabahayan... astig... napaluhod si morales! sobrang na timbwang... me sugat sya sa kanang kilay banda! grabe, resbak na resbak sa re-match...
pagtapos nun yun pa lang ang counting ng attendance... grabe, ang daming kelangang matapos...
isang buwan pa kami dun... malamang sa mga susunod na linggo, magpipintura na kami ng bahay, magtatanim... magtuturo... lahat na...
nilubos ko na ang kabahuan... linggo naman... pinasaya ko na ang sarili ko sa pagsisimba sa quiapo...
haha, tuwa ako ke eyns e... sobrang biniyayaan ng holy water... ask me for more details... lol.
0 comments