oo nga. sa wakas...
Sunday, January 22, 2006kahapon--err... este nung friday:
sa maraming aspeto mo talaga makikita na iba na ang gen X. (gen Y ba tayo? ahh ewan..) oo.. sa mrt nalang halimbawa... kung ako ay isang pinoy big brother housemate, masasabi ko nang ako ay nakagawa na ng 'good deed'... saya ng upo naming lahat sa taft avenue station... pauwi na ako nun kasama ang pinsan ko. si lolo um-entrance from magallanes station... mukang sobrang na-hassle itchura nya... i thought some guys would offer him a seat. mali ako ng inakala... oi, GUYS ah... hinde mga daughters of Eve. pero in the end, ayun... i lend lolo my seat... saya ng feeling. concerned pa si lolo sakin na kung malayo pa ba ang bababaan ko. natatawa pa nga ako sa pinsan ko eh... halos magparinig na sya sa mga lalakeng me mga syota na kawawa si lolo... dead machine... bigla akong binanatan ng ate ko na "pag tumayo ka jan, idol na kita..." hindi sa nagpakitang gilas ako, pero talagang awang awa na rin ako ke lolo... isa pa, nung papunta rin ako sm nakaupo naman ako.. kaya ok na yun...
masarap talaga ang makagawa ng good deed... kahit pa minsan feeling mo bad ka na sa paningin ng 'iba', kahit sa tingin nila halimaw ka sa kaka pagiging pasaway, minsan ibaling mo sa iba ang hinanakit mo... pero sa maganda namang paraan gaya nun.
bow!
eto, mga ilang oras lang ang nakalipas:
nung umaga ko pa sya kinulit... nung umaga ko rin tinanong on the spot kung pwede ko na sya makita ng harapan. kagagaling lang pala nya sa sakit... adik kasi.
hindi ko naman alam na naiinis na pala sya sa asar na ganun... kaya nung nalaman ko, akmang babawiin ko ang pagkakatong makita sya nang sabihin nyang gusto nya na rin ako makita... nakalulungkot man, lungkot akong nagreview sa integral calculus prelim exam kahit wala namang pumapasok sa utak ko... kasi parang kasalanan ko pa... kaya ayun, ipinaubaya ko sa tadhana ang maaaring maganap...
at dumating ang hapon, na tinulugan ko yung isang oras ng sociology reporting. (sarap pala matulog sa klase! katabi ko kasi ung poste. presto, tulog!!) matapos yun ay ni-refresh ko ang utak ko sa calculus exam... ayoko na... gigilingin na naman ang kawawa kong utak ng puro anti-derivatives... TOI-1 at TOI-2 na hindi ko alam kung san ko huhugutin ang mga numerong sulpot ng sulpot sa isip ko... nagtetext na pala yung madramang adik. at sinabing mag SM manila na ko... tuloy ko na daw. para kita kits na...
and then it happened.... and the rest was history...
nakita na nya ko, me nalaman pa sya! hahahaha... milk life.
oi dardar, thanks sa oras mo ah! sa uulitin! and... we're still on that 'priority one'! im so glad i finally meet you... in the flesh! minsan iwan natin sila... chika tau. ahahahaha! quality time together, sabi nga ni albert... jenk!
may nagtanong sakin kanina kung masaya daw ba ako... hmm...
kahit na daigin ko pa ang witch sa dami ng plates, kahit na tattoo-an pa ko ng puro numero sa noo mamemorize lang ang theories of integration, at kahit pa mantikain ako matulog... masaya ako... dahil may naniniwala sakin...--at kahit kailan ko pa ulit-ulitin tong sasabihin ko hindi ako magsasawa...
may naniniwala sakin...
uulitin ko pa ba?
...
may naniniwala sakin...
isa pa?
...
... ...
may nagmamahal sakin...
1 comments