major problem
Tuesday, October 18, 2005hindi ko alam kung makakatulong ng malaki ang blog na to para masabi ko ang mga gusto ko sabihin... yung mga bagay na hindi ko magawang sabihin ng solid... yung mga bagay na kahit sabihin mo parang walang makikinig... ah. meron nga, pero wala rin silang magawa...
baka hindi na ko makapag-aral next sem...
dati hinayaan ko lang titigan ang kaibigang nasa ganung sitwasyon--na akala ko sa isip ko lang maiisip... hindi ko alam... baka isang araw mangyayari rin pala sakin.
ang saklap. para syang forced eviction na nangyari ke bob sa pbb... hindi.. para sa katulad ko, malala na to. mas malala. hindi ko alam yung gagawin, para akong mahihinto nalang.. matutulala... hindi ko talaga alam...
gusto ko sumigaw... pero wala. natulala lang talaga ako. iniisip yung isang araw na yun, na paano nga kaya kung hindi na ko makapag-aral... yung paano nga kaya kung hindi na kinaya ng powers nila... ang mahal ng tuition ngayon...
gusto ko lang ibuhos ang sama ng loob ko sa kuya ko. ewan ko ba, para kasing ang lakas nya sabihin sakin na hihinto ako, ganung wala naman syang tinulong sakin... hindi sa nagiging evil ako... kasi, bakit ganun sya... imbes na unawain nya ko, feeling ko lalo akong nada-down... lalo na pag pinapamukha nya sakin na kelangan ko gawin yun... like he's sarcastically showing me... parang sya ang sumasagot ng tuition ko... parang sya ang nagpapalamon sakin... parang sya ang sandalan ko--which is supposed to be dapat sya na at hindi na ang nanay ko!
pero look what am i right now... wala ako sa position para iako sa kanya ang mga bagay na to.. hindi ako to para hilingin yun... na panagutan ang daily allowance ko... ang tuition ko... but then, maybe im still a somebody for them... i felt bad for myself, lalo na kapag nararmdaman kong pabigat ako sa kanila, lalo na sa nanay ko. i know i wasn't good to her at times, lalo na when it comes to financial things... i avoid myself not to argue things regarding those, in the first place wala akong karapatan... but sometimes there comes a time talaga na ganun...
i try to do my best in school, kahit na paminsan pasaway ako... na because of sudden boredom i try to play pRO or aeRO for a while... chaka, i chose this field..... minsan nga i try to give up sa hirap kahit second year pa lang ako sa course na to, pero natuto akong um-adopt sa dapat na inaasal ng isang arki student, after all ito nga ang ginusto ko... they tried to provoke me to shift courses... bagay na ayoko, pero napapaisip ako, not because im fed up with all this things, but because natatak sa utak ko na, they're still the one who can provide me this education...
so good to start my semestral break... >.<
sana matapos na ang dilemma kong ito... well, naiibsan na in a way.
thanks to this blog. and to albert as well...
2 comments