session#2 - sa tagalog format

Wednesday, August 17, 2005

siguro sya na nga... ang nag-iisang taong nagbibigay sakin ng kalungkutang nadarama ko ngayon. gusto kong maging manhid gaya nya, kayang pasiyahin ang sarili sa isang bagay na nauna pang dumating kaysa sa akin. ni hindi ko naman ito hiniling, pero bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong malaman ang lahat? kung noon nakakaya kong pigilan ang mga luha ko na parang balewala, pero bakit ganoon na lamang ang dating sa akin ng bagong pakiramdam na ito... na para bang kay hirap tanggalin... kahit alam ko namang walang kahihinatnan ang umasa pa.

tumitingin ako sa iba, hinihiling na sana'y pawiin nito ang nadarama kong kalungkutan nayon na dulot nya. naiiyak ako sa twing pakiramdam ko ako'y pinahahalagahan ngunit hindi umaabot sapuntong ako'y mamahalin sa ibang klaseng paraan. bakit pa nya ipaparamdam sakin na nasisiyahan sya sa bawat pagkakataong kasama ko sya pero heto pala ako, umaasang makita niya, bilang bagong tao, at hindi dahil malapit ako sa isang kahapon na hindi namin maiwasan... nasasaktan ako dahil hindi ko naman alam kung bakit ako nasasaktan--bagay na palagi kong tinatanong sa isipan... gusto ko na itong maglaho at maghanap ng bagong magpagtutuunan ng halaga, kaysa sa umasa sa wala, sa isang laban na ako lang ang sumugod...

naiiyak ako sa twing nararamdaman ko ang kanyang tila malamig na hanging nagbibigay sakin ng kalungkutan... mabuti pa ang iba nagagawa akong maging maligaya... sana makatakas na ko sa pakiramdam na ito, dahil napapagod din naman ako...

nais ko'y isang bagong pakiramdam... bagay na sa tingin ko'y hindi nya kayang ipagkaloob sa akin ng tuluyan...



sa panaginip mo na naman ako mang-aabala...

You Might Also Like

1 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...