nang dahil sa RK OSTs

Monday, August 15, 2005

sa huli kong mga sinabi bumitaw ang mga luha kong parang ulan, habang pinipigilan ang napipintong ingay maaari kong gawin sa pagitan ng mga hininga. sa isang iglap maaari kong ihain ang katotohanan sa kanya na sa akin sya'y lubhang mahalaga. walang nakabatid kundi ako lamang... hiniling sa Kanya'y baguhin ang takbo ng panahon na ako'y dumaan sa lugar na iyon.

naiisip ko ang mga nangyari. sa bintana ng umaandar na sasakyan ako nakatigil. nakatingin ako sa labas hindi dahil sa kung ano ang makikita mula roon... kundi ang nagawang repleksyon ng aking mukha sa salamin, wari'y sinisipat kung ano na nga ba ako matapos kong malaman ang salitang iyon.

biglaan. ngayon, hinahayaan kong bumagsak ang mga luha ko na parang ulan, inaaming heto ako, at gising pa rin, iniisip ang isang taong hanggang ngayon ay bahagi ng nakaraan ng iba.

ang tahimik... ngunit naririnig ko ang musikang nagpabangon sakin ng damdaming ito, na para bang nais ko manisi... hindi ko alam, oras na ng pahinga. alas-tres na naman pala...

sa panaginip mo na naman ako mang-aabala...

You Might Also Like

1 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...