food trip... itedakimasu!!!!

Friday, August 19, 2005

[ [ k a n j i t e :: stuffed... ~_~ ] ]
[ [ u t a :: Ready Steady Go ~L'Arc~En~Ciel (animax musix) ] ]


ang takaw ko ngayon.

binuhos ko ang lahat sa pagkain, kanina ko lang napag-isip... maaga kami na-dismiss from our physics prelims (syet, sana pumasa ako), kaya me vacant kaming 3 hours. shempre tuwa ung mga one-niners kasi marami silang oras para makapag-dotA... sa tropa ko naman, geran and beng suggested na mag-SM San Lazaro kami. open na yun tutal past 10am na... bili raw kami donut sa go nuts donuts... eh si eyns bibili gamot sa pharmacy ng univ., so nauwi nalang kaming lahat sa jollibee dapitan.

may baon pala ako. prepared by mader dear op cors. sarap eh... kaso nagcrave ako sa fries ng jabi... napabili tuloy ako ng isang value meal nila, upsized pa yung fries at rootbeer. naubs ko yun + ung baon ko. habang nakikipagdaldalan nga ko, kain ako ng kain... tas nung pabalik pa sa building, napagdaan kami kay mamang sorbetero... iang sampung pisong dirty ice ceram naman.. grabe talaga...

to think na kumain pa ko ng dinner... sa totoo lang ngayon lang ulit ako naligayahan at na-aapreciate ang mga gumagalaw sa paligid ko... nitong mga nakaraang araw ayoko na ng tunog ng blog na ito... gusto ko na nga palitan... if only i have time... maybe later... or the next day. tomorrow... sana may bukas pa... later... later... later...?

bundat ako pag-uwi... not again... my classmate siegfrid treated me sa morayta ng calamares, tig-phP20 kami... kung hindi mo alam kung ano ang calamares, squid yon, na parang breaded at di-neep fry. sawsawan nya ay sukang may siling labuyo at sibuyas, o di naman kaya'y toyo at calamansi... da best. sa kanto namin nabili while we're on our way home... we always ride on LRT2 diba... marikina kasi tong si sg. tempting kasi yung amoy... basta street food hindi mo matakasan...

may kulang eh. panulak... pagdaan namin sa netopia, me coffee shop. bili kami lemonade. thi time KKB na... tapos pagdating namin sa may crossing, hilera ng street foods ulit. nilibre na naman nya ko ng kwek-kwek... (ewan ko nalang kung hindi mo pa alam... tokneneng sa ibang term)... sabi ko sa sarili ko, 'aba, mapera si sg ngayon a... hindi nagkukuripot.'... haha. hindi pa natatapos yon dun. pagdating namin sa LRT2 recto station, bumili pa kami ng gulaman.

at siomai.

balak pa nya ko ilibre ng shawarma...

ganun na ba kami ka-patay gutom? hahaha... ok pa talaga sa background yung 'the day you said goodnight' nung mga oras na yun. nwest fave song nya ata. haha. kain lang... ok lang kahit wala na kaming maupuan sa tren, para lang bumaba yung kinain...

kumain pa ko ng hapunan... grabe. nasabi ko na ba yun?

dinaan ko nalang talaga sa pagkain ang lahat... oi siegfrid pare, salamat ulit. napasaya mo naman ako sa food trip natin. MABUHAY KA! ^__^

You Might Also Like

1 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...