Drama Session#1: sa tagalog format.

Friday, August 12, 2005

[ [ k a n j i t e :: wala nang pakiramdam... hinihiling na sanay maging manhid na lang. ] ]
[ [ u t a :: walang musika. katahimikan, ayus na. ] ]

ang daming ginagawa... prelims week kasi.

pagod na kong mag-english... just let me do my own lingo this time.

hmmm... pano ba sasabihin... wala e. kahit sa harap ng tao mukha akong masaya, minsan hindi ko rin maiwasang humahanap ng isang tao, bagay, o lugar na kung saan pwede kong ilabas yung natatagong lungkot na nararamdaman ko ng mahigit isang linggo na ngayon. hindi ko alam, may mga bagay na gusto ko nang tigilan, pero iba ang sinasabi ng ginagawa ko. para bang... ayokong malayo. ayokong basta nalang mawala nalang nang wala man lang ginagawang paraan para masabi ang mga gusto kong sabihin. sa totoo lang, ramdam ko yung biglaang lungkot kapag nag-iisa na ko. drama session na to lagot ka! pero anu pa bang magagawa ko? eh sa simpleng entry ko lang naman nailalabas ang mga kayang takpan ng maskara ng kasiyahan na meron ako.

kanina may nabasa ako. isang pagpapaliwanag ng kung anong dapat malaman sa isang kumpas ng kamay, sa bawat tingkad ng kulay na makikita mo... kung alam mo lang kung sino yung nagsulat. kinabahan ako. ang bilis ng tibok ng puso ko. maya-maya pa'y may konting tubig na ngngilid sa mga mata ko. saglit nga ko natulala... waring iniisip ang mga bagay na maaaring mangyari kung sakaling...

buo pa rin ako, walang inaalala, at... hindi ko sya nakilala.


patawarin nya sana ako, hindi nya alam na kasalanan na ang ginagawa kong pamimintang sa isang sitwasyon na sya rin naman ang may dulot. naluluha ako kapag naaalala kong humihinga rin pala ako gaya ng iba, na nasasaktan sa mga bagay na akala mo binibigyan ka rin ng halaga. sana... sana nakikita ng tao ang bawat pakiramdam ng kapwa nya sa twing lalapitan sya, at masasabing 'hindi naman pala ako dapat mag-alala.' hindi ko alam, sa bawat araw na lumilipas, lumalaki ang pagmamahal ko, habang bawat araw rin ang lumilipas na unti-unting naglalaho ang posibilidad para sa akin na magmahal at mahalin... sabi nga ng iba, darating nalang yun. paano kung dumating na, pinalipas ko lang pala?

at ang masakit pa dito ay kung pati ang dapat sana'y sa iyo'y tuluyan nang nawawala...

pagod na kong unawain ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. ganun pa man, natutuwa ako, dahil naalala kong tao pa rin pala ako: naghihinayang sa katotohanang hindi sya magawang makita ng taong natutunan na nyang mahalin sa napakaikling panahon lamang...



pansin mo ba, puro talinhaga ang mga sinasabi ko? dahil na rin ito sa isang sikretong ako at ako lang ang nagnanais na makaalam, hindi na makalalabas pa kanino man.


You Might Also Like

2 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...