Computer Virus

Tuesday, December 16, 2008

gustuhin ko mang magpahinga, hindi pwede.



[note na sa mga taong nag-eenjoy kumain o nasa matiwasay na situasyon. ang mga susunod na makikita mo ay may kahindik-hindik na insidente. pero konti lang naman.]


i'm blogging this for the reason na maging aware ang mga tao at maging cautious sa mga bagay-bagay na baka in the long run ay pwedeng mangyari gawa na rin ng mga aktibidades nyo. :)


wag ka matakot, mata ko yan. hehe. inangat ko lang ng konti. :)


pansinin ang mamula-mulang part sa right edge ng aking right eye.

kaya naman hindi ko maipapahinga ang kanang mata kong dahil sa panliligaw ko sa abang computer na ito ay nagkaroon ng sabihin nalang natin na "virus". Oo. sa maniwala ka dude o hinde, nakuha ko pala ang sakit na to sa STRESS, PRESSURE at LACK OF SLEEP.

best remedy: warm compress. soaking the cotton in lukewarm watter then pigain mo at i-dampi mo sa infected area. ganun ganun lang for 20 minutes. relaxing naman, and relieving din. and wag kukusutin kahit makati.


pumutok na ang laman kaninang umaga. nandire ako. pero wala akong magawa dahil tinangka ko maidlip at gumood-morning sakin ang malagkit na muta dulot ng nakakairitang laman sa gilid ng kanang mata ko. eeeewwwww kung iimaginine mo... pooof! parang koko krunch lang! pero tenks na rin dahil nagsusubside na ang kagabing mejo mamilog-milog na maga. salamat sa health service at tinakot nila akong idi-drain nila at aabot pa sa point na lalagyan ako ng anesthesia. [OA ni doc eh no]


shempre di ko rin itatanggi na one of the factors rin ang dust and impurities kasabay ng pagkukusot ng mata. kaya naman napilitan na naman ako na gupitin ang bangs ko, at nalalapit na ulit ako sa hitsura ni wowoweee magic sing girl. hay.

kaya naman mag-ingat! matulog! kahit imposible! mwahaha! meri xmas. 1 down na ko sa simbang gabi. rarrr.

sana gumaling na to bago mag paskuhan... JC, don't worry, hindi to sore eyes. :) Stye daw ito sabi ni Stephen Hill. oh daba. sinearch nya pa yan sa wikipedia partida. :))


You Might Also Like

12 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...