say it out loud! but to whom could that be?

Sunday, August 19, 2007

got this idea from mycx.. hehe.

Instructions are to write down something you've always wanted to say but could never really say, to 20 people... The catch is, you can't say who you're saying them to. so, random to ha!! kung mahuhulaan mo man kung sino-sino sila, edi masaya! goodluck nalang sayo! *perfect sa may mga kaaway, may katampuhan, at may mga ispesyal someones hehehe.

kung mahuhulaan mo naman talaga eh, mag-ingat ka sa sasabihin mo. or better, manahimik ka nalang. one number can be meant for two-or many people. hmm... makitawa. ha ha ha.

here it goes - my version, in random order:

1. nakakainis ka. isa ka sa nagpapahirap sa buhay ko! lagi nalang tayo nag-aargue sa mga bagay na napakababaw, sawang-sawa na talaga ko alam mo yun!? sana may isang araw manahimik ka so everybody would be at peace. leche. kahit minsan yung mga walang giangwa sayo binubwisit mo. the hell. kahit pa nililibre mo ko sa starbucks, super bowl o sa napoli pizzeria, nakakainis ka pa rin. boo ka.. boo!!!

2. salamat pare, pareho pala tayo ng hilig. goodluck sana pumasa tayo!!! woooo!! go Bords!!! go pitbull!!!

3. alam mo, hindi na kita ma-reach. pero ayos lang yun, para sayo din naman yun eh. natututo ka na. pero ang talagang ikinabago mo ay ang pambabara ng tao--masaya din naman yun eh--pero me time talaga na sumusobra ka na. may times din na dominant ka na. sorry pare pero kung ikaw naooffend sa mga ginagawa ng isang tao, tignan mo rin muna ang sarili mo. kasi minsan ang sobra hindi nga rin maganda. i know that coz ive been into it. sana ikaw malaman mo na rin yan. hindi lahat ng gusto mo, gusto mo. pero, thanks sa lahat-lahat! mahal pa rin kita inspite of everything... always.

4. thanks sa pakikinig, at thanks for really trusting me. pramis ill keep my mouth shut sa lahat ng mga frustrations, worries at jelousies mo sa buhay... sating dalawa lang! hahahaha! pero pare sinasabi ko na, isipin mong mabuti lahat ng mga nararamdaman mo. may times na kailangan nating ipakitang emo tayo, pero really, you sure are better than being one of those. keep the fire burning pare... i am always with you.

5. sana talaga hindi ka magsalita, kasi lagot talaga ako sa nanay ko. please lang, dahil ako nung nakita ko ang mga text messages sayo nung taong yun nagulat talaga ako pero dedma lang. me ganun-ganun ka na ngayon ha. wag na tayong mag-emotional blackmail-an, d na uso yun. wala nalang pakelamanan.

6. sorry sa lahat. sa lahat ng kaartehan ko nung mga times na hindi naman dapat. i was too emotional, sabi nga nila. pero narealize ko rin, na bato ka. as in B A T O. at napaka-organized mo hindi katulad ko. ive learned my lessons, pero sana sa nangyaring yun may naiisip ka ring nagkamali ka sa pakikitungo mo and u have to know what's your weakness. nagkaron talaga tayo ng gap, at cold gap talaga yun napapansin ko lang. pero sana naman mabalik yung closeness natin. namimiss ko yun.

7. hoy ikaw, nakabili na ko ng expansion pack! weeeeeeeee!! adik adik na to pagkatapos ng plate na to!!! hahahahahaha! papahiram ko na to sayo!!!!!! yebah!!

8. isa ka pa! marami kang mga hindi sinasabi sakin nakakainis ka!! nasaktan talaga ng sobra yung friend ko, ang heartthrob mo naman!! akala ko pa naman friend kita! hmmf!

9. good luck nalang sayo, sana hindi ka ma-ano. kasi nagdududa talaga ko sa purpose ng guy na yun pabalik dito. kahit pa naiimbyerna ako sayo minsan, i still care for you bru. kahit pa sobrang self-centered ka talaga sa maraming bagay. ewan. backout.

10. may isang bagay lang akong gustong i-explain sayo na hindi ko nasabi dati. hinding-hindi mo ko maiintindihan kasi sa dami ng biglaang responsibilidad ko at bigla mo ring nasasabing ganito ako. ito lang masasabi ko. you wouldn't know unless you put your feet in my shoes... you'd never know. and if in case you still want to know, don't bother. sinanay mo na kong maging numb sa lahat ng pwedeng maramdaman in terms of this. isa lang ang pwede ko pang sabihin: just help me. yun lang.

11. unatin ko buhok mo eh. basta, hihintayin kong kwentuhan mo ko. i know you can manage, pero wag mo lang kalimutan that i asked you if you're okay. shempre friendship kita.

12. miss ko na mga pag-uusap natin sa chat mula nung nagkawork ka. kelan kaya kita ulit makikita? d ka naman pwede ng linggo kasi yun lang ang rest day mo. as in REST. nakakatampo talaga minsan pag naiisip kong wala na talaga ganun kalaking time para makipagchikahan. goodluck sa iyong career, ms. java girl. :)

13. ang galing mo magtago. da best. leche ka. swimming galore ka pa nun ha... isusumbong kita sa ate mo.

14. pa-ride naman kay black dash! miss na kita fujiboy! salamat sa lahat-lahat! you are my soundboard in the cyberworld! miss you and congrats!

15. we both have the same mask, but yours is too hard to put away, coz the one you are using is your front already. sana maging happy ka na. and always remember, kahit magkagalitan pa, thru happiness and weariness... i am always with you. you know that.

16. leche ka. wag kang feeling close sakin. pa-buzz buzz ka pa dyan. know where you put yourself. kakainis, akala ko magiging ok tayo, pero YOU ruined his contact with his mom. and you ruined even the closeness we had. one more: hindi ako BOTO sayo. not a single day. EVER!

17. and you also! wag kang feeler! nakakapika! nagiging feeler din ako dahil sayo! pwede ba, if you're going to tell me that you like me then FORGET IT!!! i hate people making moves when they don't know where to stop! nagkakaron ka pa tuloy ng space sa 20 chosen people ko but i am sorry i hate those kind of people. people like you.

18. kayong lahat! kayong lahat na hindi nakakaunawa! OA na ko kung OA pero i am tired or reiterating stuffs which i already told. ENOUGH! give me a break naman... i know i have nothing to do to change the way i am right now but bear with me. HELP ME!!!

19. i love the both of you! thanks for the patience. i promise i'll do what needs to be done. i won't fail you!! rarrrr!!!!

20. i super miss you na. uwi ka na!!! T_T love love loooove ya! <3

**i'll leave no comments.. in the future.

You Might Also Like

15 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...