terrible

Wednesday, July 11, 2007

ngayon ko lang ULIT naramdamang maiyak sa galit. sa galit na may kahalong galit pa rin at matinding pagkadiskumpyado sa sarili. pakiramdam ko sobrang nagmamalfunction ang katawan ko sa kakahikbi, at dislocated lahat ng nerves ko sa dapat kalagyan para umarte ng sobrang napaka-"not the typical Abigail".

siguro naman pwede rin naman maramdaman yun ng isang hamak na katulad ko diba?

sobrang sakit maramdaman na wala kang KWENTA. na aminado kang MABAGAL ka gumawa pero hindi naman ibig sabihin nun na napakaUSELESS mo na. grabe... yun na yun ang naramdaman ko kanina. naturingang presidente ng block at 4th year rep na ng college eh sa mga ganung bagay, sablay pa rin. nakakagago.

tatandaan ko na to mula ngayon: hindi ko na kailangang kumapit sa napakataas na bagay para masabing KAYA KO PUMASA. grabe... sobrang terrible talaga. nun ko lang na-feel maawa sa sarili ko na para bang "leech" ako sa lahat ng nangyayari sakin ngayon.

siguro nga pinepersonal ko ang lahat. at sa sobrang pinepersonal ko apektado na lahat ng dapat maapakan sakin. PRIDE, FRIENDSHIP, HAPPINESS, kahit yung salitang CAPABILITY OF WORK mukhang useless na. sobrang WASTED. sooooobrang wasted ko kanina na kahit bumubuhos ang pagbagsak ng ulan. eh nakikisabay akong nagmamakaawa na sana makauwi na ako ng mabilis para makalayo sa dapat layuan.

mas matindi pa ata ako sa lumuluhang langit.

buti nalang [shempre may 'save d day'], nandun sya para pakinggan ang mga mahina-na-lumalakas na pag-ngawa at matinding pag-agos ng mga luha ko. nandun sya para payungan ako kahit para na yong walang silbi. nandun sya para aluin ako sa sobrang sakit na hindi ko kayang iexplain, nandun sya at nanahimik bilang pagrespeto sa damdamin ko, at nandun sya para IBALIK AKO SA DATING AKO SA MAS MABILIS NA POSIBLENG PWEDE NYANG MAGAWA.

nagpapasalamat ako sa isang taong ito, at kung hindi dahil sayo, hindi ko na alam ang nangyari sakin sa gitna ng maulang gabi. mga pare, kailangan nyo ring umiyak, at kailangan nyo ring ipakita yan sa tao, para matamaan sila at nang sa gayon marealize naman nilang NASASAKTAN KA NA...

sa lahat ng mga aaming TAMAD ako, WALANG KWENTA at FEELING UMAASA NA [BA] AKO SA INYO, wag nang mahiyang sabihin sakin. utang na loob magkaalaman na. pero sinisiguro ko sa inyong hindi na ko iiyak, dahil sa lahat ng iniyak ko kanina...

wala nang natira.

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...