mahaba-haba. sana d ka ma-bore. saling ketket.

Sunday, June 10, 2007

mukhang enjoy to.. i've read this on rex's blog and on eden's... wahaha. sali ako.

Each player of this game starts off with 15 weird things/habits/little known facts about yourself. People who get tagged need to write a blog of their own 15 weird habits/things/little known facts as well as state this rule clearly. At the end, you need to choose 5 people to be tagged and list their names. No tag backs.

15 Weird things/habits/ little known facts about me:

1) Abigail de Guzman Mañgune. maarte ang pangalan ko. nag-iisa lang pero andaming pwedeng mangyari. kung hindi Abegail, Abigael. normal yun e. pati nga middle name ko eh, ayon sa birth c., G yun. ginagawa nilang DG. sumusunod lang ako sa batas, para nyo nang awa...

pero ang hindi normal ay ang pagsulat nila sa apelido ko, kahit ang pagtawag. nagiging Mang-gune, Mangoni o di naman kaya MangYOUne. sanayan lang, since birth. kahit dati na may morning show pa ang "Alas singko y medya", hindi maayos ang pagkakabanggit ni Julius Babao sa family name ko. birthday ko nun nang sinabi nyang "Happy birthday kay Abigail Mang... Mang... Mang-gune. happy birthday sayo." kamote, sinu bang tumawag dun? magandang birthday experience.

2) i love rain. yep. gustong-gusto ko ang rainy season--hindi lang siguro for the reason na i was born at the very start of tropical depressions pero ever since na may dalawang happenings sa buhay ko na nangyari during and after umulan, gusto ko na palaging umuulan. kahit foggy, gusto ko rin. kahit mabasa na ako and all... still. wag lang sa dagat espanya, hasel umuwi, hindi na convenient yun sa kasiyahan...

3) at dahil sa statement ko sa #2, talking about my birthdate: (wag mo na hulaan) karaniwan at kadalasang ang birthday ko ay umuulan, binabaha at laging merong State Of the Nation Address ang kung sinu mang president ng bansa, sabay yan. Truly. (so alam mo na birthdate ko? hahaha)

4) i am arachnophobic person... add mo pa yung pagiging kabourophobic. (arachnophobic = spiders; kabourophobic = crabs, talangka and the like) all those two ay kagagawan ng nag-iisa kong kapatid sa mundo... tinarantado nya ko nung mga bata kami. ginapang ako ng tarantula (wow ginapang! ayus sa word usage! hahaha) tas naipit ako ng alimango. ang saya diba?

kaya ang mga dabarkads ko ngayong college, walang habas na inilalapit ako sa mga ganun, lalo na sa mga lugar na alam nilang pedeng pamahayan ng ganun. ang bait.

5) usapang payong: unlike kay rex, walain ang payong ko. one time i tried na mag fx papuntang ust. sa likod ako sumakay at nung malapit na ko sa gate 3, inilagpas ako ng mamang driver sa may bandang active dorm na! inis akong bumaba nun, kasabay ng paglimot ko sa payong ko--to think na yun lang ang pinakatumagal na sakin. say, almost a year? na-try ko na lahat ng kulay ng payong except yellow. kahit nga ngayon yung recent na trifold ko nawawala na rin. haaaay.

sabi tuloy ng nanay ko: "ang tindi mo. sa susunod, wag ka na mag-trifold. andaming payong dyan, magpayong baston ka nalang... ewan ko nalang kung mawala mo pa yan, burara ka." huhu.

ang totoo nyan, nung hs ako me nawala na rin akong payong na twofold. pink pa yun na favorite nya. (hindi nya yun alam hanggang ngayon secret lang natin to)

6) inis sakin sila zarah, geran at beng kapag magkukwento ako ng isang bagay na inaabot ng siyam-siyam sa tagal. hindi daw ako straight to the point, maraming sanga at pa-pause-pause pa na parang naiiwan ang sarili sa ere. kung anu man ang rason, hindi ko pa rin yun alam.

7) hindi pantay ang eye lashes ko dahil sa isang aksidente nung aking kabataan. dahil dyan, takot na kong magbike na may side car.

8) kahit anu yatang bag ko may candy wrapper. kahit sa butt pockets ng pants meron. mas gugustuhin ko pong dun yun nakasiksik kesa nakikitang yung Peter's butterball ko lumilipad sa lansangan.

9) wayback high school kasali ako sa dance club, so malamang-lamang na ang sasayawin ay puro modern (techno, rnb, novelty paminsan). ang factual dito ay... oo na, i listen to the songs of Air Supply, Earth, Wind and Fire at Bee Gees. oo na, anything oldies. OO NA, OLD SOUL AKO!!!

hindi raw mukha.

10) nung baby tayo shempre kelangan natin ng gatas... pero ako, by the age of 4 to 18, lactose intolerant ako. ang laman na nga ng feding bottle ko nun ovaltine na eh. kahit bumili sila ng isang latang gatas bihirang bihira ako uminom. ngayon? kaiinom ko lang ng sterilized milk. *burp*

11) hindi ako marunong kumain ng rambutan. pasensya na.

12) curse of the clans. nasaktong parehong sides pa. in my mother's side marami nang may gray hair. in my father's side ganun din with matching falling hair pero at a very young age...

ang result? ako.

13) weirdo ako managinip. hindi naman ako sleepwalker o ano, but when things get depressing before i sleep, asahan mo sa umaga, todong humihikbi ako at basa ang unan ko for the reason that i really don't know. may nakapagsabi sakin na double dreamer din ako, na while i'm dreaming, sa dream ko nananaginip din ako. parang inside of the other.

14) matinding fact: nung mga araw na ngarag ang 3rd yr sa final plate para sa D6, overnight kami ni eyns kina tino at tinry namin ni tino uminom ng kape sa madaling araw na lagpas isa ang kutsara. apat ata yun. bangag kami kinaumagahan... test sa Strength of Materials, masakit sa ulo, at nakuha ko pang mag palabok sa jollibee. nung tanghali akala namin kaya pa namin, nakatulog ako ng 200 degrees bent sa drafting room ng library ng may isang oras hanggang sa nawalan na ko ng kwenta at hindi ko na kinaya, umuwi na ko.

15) i have a new hobby: mangurot ng fats ng isang tao dyan. ang saya-saya.

You Might Also Like

2 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...