analyzations, sa tagalog format.
Friday, May 19, 2006blogger,
kamusta ka naman... wala lang... nag-iisip lang ako ng mga bagay na pwede sa hindi. bakit ba ganun, no? bakit may mga bagay nga na hindi pwede, at bakit may mga bagay na hindi mapipilit? kagaya nalang nun... kagaya nalang nyan. kagaya mo siguro at kagaya nya. siguro nga ganun no? hindi maipaliwanag. siguro nga kasi me mga dapat tanggapin ang isang tao kahit katumbas nito ay maaari mong ikasama ng loob... ang nakakatuwa pa dyan ay hindi mo kailangang humingi ng tawad. wala kang dapat i-sorry. me mga ganung kaso diba? bakit kaya, parang ambilis lang kung mangyari ang isang bagay na dapat pinag-aaralang mabuti? na dapat, pinagkakaabalahang isaksak sa kukote bago bitawan. lalo na sa mga bagay na kumplikado tulad nun.
haha, blogger, oh blogger... isa pang analisasyon... tila yata nagising ako sa pag-iisip na, may mas titindi pa pala sa mga kalungkutan ng tao. well, iba-iba naman kasi ang kumposisyon natin diba? hindi mo pala kailangang lumungkot para lang masabing nag-iisa ka na. hindi mo rin kailangang malungkot sa isang taong napakalapit lang naman sayo... na-touch ako sa entries ni Denise . na para bang ikamamatay na nya ang bawat araw na sabihin nyang "ok lang ako" kahit malayo sya kay rex. nabibilib ako. sobrang humahanga... sobra sobra.
huling panulat... kung kaya lang talagang isabay ng pagligo ang lahat ng sakit, lahat ng hirap.. sana lagi nalang basa ang tao. haha. walang ka-sense-sense no? kung anu-ano na mga sinasabi ko. pero. anu pa nga ba? sana lang naiwawasiwas ang lahat ng lungkot sa isang ngiti... sa isang tawa... sa isang yakap ng kaibigan.
umay sa gulay... tumatanda ka na nga, bugoy...
1 comments