NAGKALASUG-LASOG TWO TIMES...
Friday, November 18, 2005[ [ k a n j i t e :: sad. i admit. ] ]
[ [ u t a :: Blue Moon ~Orange and Lemons ] ]
nakakatakot yung pusa sa labas... umuungol.
bilog ang buwan. hindi blue ayon sa kanta.
hindi aso ha, pusa. ...
AT! MGA pusa: takenote.
mukang me 'factory' ang mga pusa sa gabi. gets mo? wag mo nalang intindihin.
anyways...
hay. kanina binigyan kami ng break to go out sa TOA class namin. sa di inaasahang pagkakataon nakita ko ang crush ko sa ibang block. (hindi ko na sasabihin kung sino, kasi baka kilala ng ilang makakabasang walang alam :)) ) basta eto ang clue: classmate ko sya 1st yr 1st sem sa pe. volleyball. oha. yan me hint ka na! hahaha... back to the topic...ayun nga. habang hawak ko ang pinagpipitagang photocopy ng book 1 chapter 1 ng book ni Vitruvius about Ten Books on Architecture, mega-cheesemax aura ang lumalapit sakin. sabi ni geran, "si ______ o, asa labas ng 610, me kausap na babae!" nung una ayaw ko maniwala kase alam ko nambubuset na naman na sumalampak sya malapit sa kinauupuan ko sa sahig sa labas ng room namin. (606) . sumilip ako, at bigla namang rumaragasa ang entrance ni beng... "oo biggs, binigyan pa nya ng c2 pati food..." hala. sumilip ako ng konti... kita ko naman na parang walang malisya yung usapan. pero maganda si gurl e. tas pati habang na-aaral kami, nagagawi talag ayung paningin ko sa gawing yun ng corridor, para bang humahapdi ang dibdib ko na hindi ma-explain. (tas blue moon pa talaga yung kanta, nagloloop sa player ko... :(( )
samakatuwid, durog ako.
ang pinaka nakaka-- pa dyan... (syet, what a term! Pinaka Nakaka), eh nung hinawakan ni crushie si girl sa elbows, like parang sila! aruy aruy aruy! sabay gatong system ang nangyari sa paligid ko... parang gusto ko sila i-itcha sa ibang planeta. buset. wasted na wasted. ang hapdi talaga ng dibdib ko nun pramis. tas tapos na break. yun. binuhos ko ang panghihinayang ko sa essay writing ng binasa ko kahit wala naman akong naintindihan. thanks to papa God open handouts bigla.
pansin ko lang andami kong blanks... mga sikretong tao. hahahaha... kamote.
tas kani-kanina lang. nadurog ulit ako x2. at sa kasalukuyang, Blue Moon pa rin ang kwento sa tenga ko. parang gusto ko maiyak. ay wag naman, pero bat ganun... i don't have a loved one of my own! ang chaka! lyrics nalang ang pinagtripan eh no. wahehe... someone i really could care for... /ho ...the one that in my arms could ever hold... /ho
i wanted to thank daryl jimenez (naks me special mention!) for tonight. sino yon? ay hindi ka adik pag di mo to kilala. wahaha! ang aking ka-chokaran sa pRO, pbb at kung anu-anu pa under the moon. di pede sa sun kasi hindi umaga wakokoko... promise you are safe! hindi ka ma-eevict sa bahay ni kuya! tae, eto na naman tayo. i consider this lola one of my wackiest friends ever! nde pare, salamat sa masayang usapan. thanks for being open to me and for trusting me. i feel glad coz someone trusted me though hindi pa ko nakikita in person. even shyla too. sabi nga ni pao kanina before magbabay, ito ang best gift na nakuha nya sa ragnarok..
friends.
keeping still...
2 comments