hindi ko na to gusto...

Friday, October 21, 2005

[ [ k a n j i t e :: hindi alam... :(( ] ]
[ [ u t a :: Magmahal Muli ~guitars by Sam Milby; vocals by Say Yutadco (ume-echo sa utak ko!) ] ]


ganun pala yung pakiramdam... yung pakiramdam na gusto mo magalit pero sa halip pipigilan mo. yung pakiramdam na kahit nahihilo ka na, ayos lang-- makasama lang sya... yung pakiramdam na gusto mo talaga sumigaw at iparinig sa kanyang naiinis ka sa ginawa nya pero hindi mo magawa dahil kahit ikaw meron kang kasalanan. ganun pala yun.

kasalanan ko rin. hindi ko sila ganun natulungan... sarap na ibenta ng pc ko, lag ng lag... hay nako.

pakiramdam ako para akong nalungkot na ewan. hindi ko kasi maisip na magiging ganito ang dapat masaya na paglelevel up. kasalanan ko... nakakainis. pero ang higit na kinaiinisan ko, bakit nya kami iniwan ng walang pasabi? gusto naman pala nya ron, sana sinabi man lang nya samin nang hindi na sya nagtampo pa... ang nakakainis dun, kinakaila pa nya saking hindi sya galit... para yun lang. nagsolo. tapos ayun, basta bigla nalang akong nakaramdam ng pagkairita... hindi ko na alam ang gagawin. para akong tanga na naghihintay ng sagot. yun yung term na ayaw ko gamitin, pero kasi pakiramdam ko naging ganun ako kahit saglit. ganun ba talaga ang mga lalake? gusto kong umunawa, pero sa twing naiisip ko na naiinis ako nang dahil lang dun parang napakababaw para pag-awayan... ayoko mag-away kami.. ayoko, kasi ayoko. ganun lang ka-simple...

naiiyak ako, ang dami ko nang naiisip nitong nakaraang araw... ang dami kong gustong gawin kasama sya... kung alam nya lang na gusto ko sya makasama, akala lang nya hindi, pero gusto ko, kahit sa ganung paraan lang... kahit ganun lang... ... ...sa maghapong nakakabagot gusto ko rin sumaya, pero anung nangyari? nawalan lang ako ng gana... kung alam nya lang na limitado na halos sa akin ang lahat... pero ok lang, kasi alam ko naman na uunawain din nya ko... ...kala ko naman ganun, kasi alam nya kung anung problema ko ngayon... ayoko na makidagdag sa problema ng iba, sa problema nya... kaya...

lahat ng nararamdaman ko andito nalang lahat.



hoping to keep still...

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...