changing the impression of riding FX's!!!!

Monday, July 11, 2005

i am feeling: kilig!!! ^_________^
current listening to: Kahit Kailan ~South Border
current location: comp shop pa rin...

alam nio ba?!?!?!?!

paguwi ko kahapon from school, umulan!
i have no choice but to ride on a fx! since jeeps were like full already! di ko na kayang lakarin ang papuntang morayta, para habulin ang byahe sa tren. so...
to cut it short, sumakay ako sa fx pa-cubao... kahit na na-paranod ako sa kwento ng philo prof namin last friday... (di ko na elaborate)... edi ayun sumakay nga ako diba? ako lang pala ang tao sa loob! sa harap ako, katabi ako ng driver... lalong kabog sa dibdib! taena... kase naman umulan pa nasa espanya pa ko e! edi ayun, nagbayad ako nung malapit na sa vicente cruz... napagtanto ko na hindi bumibyahe c mamang driver dun, kasi originally ang route nia is to apalit to cubao! kaya tinanong nya kung magkano ang binabayad ko... sabi ko 15! wow me sukli! tama naman ginawa ko diba? tapos, wala pa rin g sumasakay! maliit lang kasi yung karatula ni manong... pero totoo, walang pa-cubao a pasahero. tas ayun... alerto ako... shempre no. nasa utak ko yung kwento ni mam... pero mabait pala c mamang driver. kababyan ko kasi!

wala pa ring sumasakay! pareho kami ni manong na nakikinig lang ng radyo. tapos me sumakay! yehey! tumila na rin pala ang ulan! me sumakay! umupo sa tabi ko! lalake! ambango! ang cute!! ay hindi pala-----ang gwapoooo!! hahaha!!! (ang landi amp!) tas nagtanong ke mamang driver kung san daw ang hinto ng sasakyan nya at kung dadaan ba daw sya ng mrt... sabi ni manong oo... sooo hindi nya masyado kabisado ang lugar! muka ngang rich kid e! basta!! tapos nagbayad na rin sya! along erod, katabi ko sya, tas dumami na pasahero ni manong! lucky charm nya ko! hahaha! oh diba nakatulong na ko!

pagdating sa edsa, napansin ko na nakikita na nya yung mrt... tas nagtanong na sya ulit.ke mamang driver... "san na po dito manong?", sabi nya. hindi ko na napigilan, nakisabat ako, eh since dadaanan ko rin yung cubao station paguwi ko. sabi ko... "dun o" sabay turo sa kanan... akala pa nga nya mas matanda ako... sabi nya "san ate?....so dito na ko bababa?" ayun. eh bumaba na rin ako. habang papatawid, kasabay ko sya. tas nauna ako ng konti, nasa likod ko pa pala... tapos, sabi ko ulit "ayun o, kita mo yung staris sa dulo? ayun yung paakyat sa station..." sabi nya... "ah so dito na ko dadaan?" sabi ko "oo" tas ayun. halos sinabayan na nya ko sa street na dinaanan ko.

sabi ko ulit "kakanan na kasi ako pagkadating sa kanto..." haha, natuwa ako nang nag thank you sya sakin, and then suddenly he asked my name!!!!!!!! oo pare... MY NAME!!!!!! i said mine... tapos sinabi nya rin nya name nya!!! he's name was Mark. tapos, he asked me... "taga-ust ka diba?" i said oo, tas tinanong nya kung anung year ko na... "2nd year" sabi ko. tas nagtanong na rin ako... "ikaw?" sabi nya "lyceum, 4th year na" wow! ah oki...tapos usap pa rin kami hanggang sa dulo ng kalye... tas sinabi ko nlang na "ayan, akyat ka nalang jan" sabi nya, "thank you talaga ha! ay, san ba yung way papuntang ortigas?" tas ayun sinabi ko na sa right wing yun. "ingat ka ha!" huli ko nalang sinabi bago kami maghiwalay... "ingat ka rin! thanks!" sabi naman nya...


aaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!! nakatulong ako! sa wafu pa!!!! hahahahahahahahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!! asteeeeeeeeeeeeeggggggggg!!!



so so so so lucky day today!! why?! pumasa ako sa UAPSA staffer!!!! wooooohoooooo!!!!!!!!!!

You Might Also Like

1 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...