this is the nastiest day ever
Saturday, June 11, 2005kulang nalang sumabog ako ngayon. hindi ako naniniwala sa kasabihang "maybe you woke up at the wrong side of the bed". woke up--woke up pa, eh panaginip ko palang ata tinakda na para sirain ang bong byernes ko.
i won't deny i got pissed with my bro a while ago. para kasi siyang walang pakelam sa mundo. as if he's not living here, parang balewala sa kanya kung me naiinis siyang tao or me nasasagasaan na siyang feeling... parang walang consideration, knowing na i do the laundry for him and fix his endless mess as he leave the house almost e-v-e-r-y-d-a-y... not that i'm counting all what i do for him, kasi whenever he goes out, mom would always scold me, na parang ako ang may kagagawan ng lahat. pakiramdam ko tuloy ako lang ang nagkakasala sa pamamahay na to. parang minsan naman hindi nila ko intindihin. instead of nagging, i just kept myself shut.
whenever i wanted to go out, parang me kung anong urgent lakad. sarili kong lakad hindi ko magawa. it's always their wants, at iniiwan akong avid taong-bahay. laging ganito. lagi rin akong uunawa. lagi rin akong nagbibigay. akala lang nila puro ako nag nang nag; laging walang ginawa kundi magreklamo, but look who's the winner in the end? sila pa rin. akala lang nila i mischief them, pero mabait ako inside--see, i even took good care of their 'palace' while they're gone.
pero bakit ako... pag ako na humingi ng favor, kasalanan ko pa rin? what i don't understand is that they never learn to understand me also.
and what makes me hate the whole day more? nang paghintayin ako sa muntikan-pang-kawalan. tanga ako e. pero sana 'wag nalang ipagdiinan pa. lalo na yung pinararamdam pa. taena, hindi ko alam kung gusto pa rin ba to mangyari sakin ng me Kagustuhan, sana hindi naman... pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na ganito talaga ang buhay. pero.. sa ngayong parang mauubos ang lakas ko (sa wala), naiisip kong tao parin akong napapagod intindihin ang mga dapat intindihin. naiinis ako masyado akong mapagbigay, ubod ako ng bait kahit hindi ko nakikita sa sarili ko yung literal na ibig sabihin nung salitang yun. dati balewala lang sakin yung paghintayin ka ng ganun-ganun lang, pero ngayon alam ko na ang pakiramdam. ayoko na nga ulit maranasan pa yun. pakiramdam ko bigay lang ako ng bigay, pero ni minsan ba naisip nila na ako ba pinagbigyan din nila? uunawa ka nang uunawa, pero ako ba inuunawa rin? nakaya kong maghintay, pero sila hindi.
at ang nakakagago pa jan sa huli, ikaw pa ang lumalabas na inuuna ang ibang bagay kesa sa mga yon.
isang hirit na lang. pakitandaan: hindi lahat ng bagay nakukuha sa sori. pu****i**ng sori yan. kahit pa sibihin nating hindi natin ginusto ang mga nangyayari satin... pasensya ka na rin, ito ang pakiramdam ko sayo ngayon. minsan ko lang ibubulgar sa buhay kong literal at malalim akong nasasaktan. isa na to sa mga yon. wag mo muna ko siguro kausapin... hayaan mo, mawawala din to. mabilis lang.
minsan kelangan ko rin ng break sa pagiging maunawain...
...kagaya ngayon.
1 comments