na-hype sa emotional sickness

Saturday, June 04, 2005

me mga napagsama-sama akong mga kadramahan dito... la lang. la lang talaga... ^___^

Boy: I need some1 to talk to...
Girl: I'm always here for you.
Boy: I know.
Girl: What's wrong?
Boy: I like her so much...
Girl: talk to her.
Boy: I don't know. She wont ever like me.
Girl: don't say that. You're amazing!
Boy: I just want her to know how I feel...
Girl: then tell her!
Boy: she wont like me!
Girl: how do u know that?
Boy: I can just tell....
Girl: well just tell her!
Boy: what should I say?
Girl: tell her how much you like her.
Boy: I tell her that daily...
Girl: what do u mean?!
Boy: I'm always with her. I love her...
Girl: i know how u feel. I have the same problem. But he'll never like me...
Boy: wait. Who do u like?
Girl: oh some boy....
Boy: oh... she wont like me either...
Girl: she does.
Boy: how do u know..?
Girl: because who wouldn't like you?
Boy:... you.
Girl: you're wrong. I love you...
Boy: I love u too...
Girl: so are u going to talk to her?
Boy: I just did...

--galing ke memey. nasa bulletin daw nya e. natuwa lang ako. haha.





may dalawang taong nagkukwentuhan sa eksena. ang mas matanda ay nagkwento ng isang 'di nya malilimutang talinhaga.

nag-imbita ang hari ng mga naggagandahang prinsesa sa kanyang palasyo. habang papunta, ang pinakamagandang prinsesa ay dumaan sa harap ng kawal. napa-isip ang kawal at sinabi sa kanya na kahit kailan hindi niya maabot ang tulad niyang tila langit dahil siya naman ay lupa. ganun pa man, sinabi nyang walang halaga ang mabuhay kung wala sya. ang prinsesa ay natuwa, kaya naman hinamon niya ang prinsipe na kung kaya nyang magtagal sa ibaba ng balkonahe ng isang daang araw ay pakakasal sya rito. tinanggap ng prinsipe ang alok ng magandang prinsesa, kaya naman dumating ang isa, lima, sampung araw, nanatili siyang nakaupo sa ibaba ng balkonahe habang pinagmamasdan siya ng prinsesa. umaraw man o umulan hindi siya umalis, kahit iputan na ang ulo niya ng mga ibon at kagatin ng bubuyog, masugid niya itong hinintay. ang mga gabi niya'y puno ng pagluha, pagtitiis para lamang sa kanyang minamahal.

hanggang sa dumating ang ika-99 na gabi. nanatili syang nakaupo roon, ngunit nakadungaw pa rin ang prinsesa sa kanyang balkonahe. nang gabing iyon napagpasyahan na ng kawal na bitbitin na ang kanyang upuan at lungkot na umalis sa kanyang kinalalagyan.

kung bakit sa huling sandali ng paghihintay niya naisipang sumuko, doon tinapos ng matanda ang kanyang kwento.


nagtanong ang mas nakababata sa kanyang kaibigan makalipas ang ilang araw. "ngayon naiintindihan ko na kung bakit umalis ang kawal sa bandang huli..."

"bakit?" lungkot na sabi ng matanda.

"sa lahat ng dinanas na pagtitiis at paghihirap ng kawal, sa ika-99 na gabi naisip nya na kung hindi tumupad sa usapan ang magandang prinsesa, pakiramdam niya mas lalo lamang siyang masasaktan.

"minabuti na lamang niyang itigil ang pag-asang kahit naman kailan hindi niya makakamit sa buong buhay niya. kaya sa halip na tanggapin ang katotohanang hindi niya maaaring ikaila, mas ninais nalang niyang masaktan ng pisikal, magutom hanggang sumuko't lumisan sa pag-ibig na walang kalaban-laban."








this story was taken from the koreanovela - Stained Glass... so the story was translated in filipino. astig naman e. not in exact words, but that's it. and i won't deny, naiyak ako upon watching and hearing it.

You Might Also Like

2 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...