dapat talaga marunong kang umunawa...
Friday, June 17, 2005i am feeling: sad...
currently listening to: patapos ng song na Talaga Naman ~M.Y.M.P. ;sabay Fire ~Kitchie Nadal
everything was going well at school (so far)... pang-asar lang yung mga nang-iindyang mga profs sa hapon. alam mo yun--na sana umuwi ka nalang at doon maglunch sa bahay nyo. nakakainis, tapos panigurado baka ganito na naman ang set up bukas. sana hindi, pero parang oo siguro.
about my new subjects, hmm... mukang enjoy na hassle pa rin na nakakakabang ewan na hay naku. ang dami! hahaha... to make it short, mixed feelings. palagay ko, sa mga currently na pinagkakaabalahan ko, dahan-dahang magsslow down. isa-isa ko nang igigive-up... isa-isa ko nang isasacrifice. nakakalungkot pero siguro nga dapat ganun. dapat nalang unawain na para rin sakin to. (naks)... kelangan ng self-control! disiplina para mabawas-bawasan ang kaadikan. hahaha... oh well... i really should, and just focus on my studies... yebah.
umulan kahapon. oh diba ang saya? oo kasi nabasa ako... wow, ispiritu na ng june... rainy season. ang pinakagusto kong parte ng taon. maraming dahilan para don, at sikreto yun! wahaha.
as i was about to finish my HOA assignment tonight, hindi ko makalimutan yung naabutan ko on my way home a while ago... akala ko me nagkakagulo kasi. meron nga, pero hindi showbiz icon. yun naman lagi mga dinudumog diba? oh di kaya yung mga basaggulerong all time pambasag-katahimikan ang eksena. ito iba...
Aso... dog sa english. inu sa japanese. askal sa mga taong tulad naming pala-laro sa kalsada. oo aso... hindi sila dalawa. nag-iisa lang s'ya--nakahiga, me tali sa leeg. may siga. may apoy... maraming tao. puno ng tanong yung utak ko, sa sobrang puno, kumukunot ang noo ko, nagsasalubong ang kilay ko sabay tanong sa kapitbahay "anung nangyari?", yung aso kaya lupaypay sobra. pinusta ko talagang humihinga pa yun e. pero ayun. wala... wala nang buhay. sabi ng kausap ko "masyadong matapang, nakakagat na yata"...blah blah..
seryoso, nanlabo mga mata ko. kinaladkad yung aso sa gilid ng daan, itinabi sa lugar na hindi malalapitan ng mga bata. wala akong magawa kundi pumasok nalang sa gate namin, pigil na pigil sa pwedeng magawa ng awa ko. bigla akong nagtaka, susunugin ba nila yun? pagsara ko ng gate--dahan-dahan--bigla kong naisip na hindi malabong mangyaring lunod ang mga tanggero sa mga oras na ito... sana mali ako. hindi na ko lumabas... yung aso... nanghihinayang ako na hindi ko malaman. kahit pa sya na ang pinakahalang na aso sa kalye namin, hindi naman sana na parang ganun-ganun na lang, na hindi man lamang sila nagpaalam sa kanya na matsutsugi siya... pwede... pwede pa syang ipagdasal ke papaLord. hindi... basta... earth's getting worse. hindi lang aso. kahit yung bespren nito.
grabe, tuwang-tuwa pa naman ako sa love quote na finorward sakin. aso parin... saklap.
yung aso... yung aso... ui, mukang pamilyar.
0 comments