kadramahan #2...

Tuesday, May 31, 2005

hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. kanina lang para akong natutuwang kumakain ng pansit canton na ako rin ang nagluto, maya-maya tila maiisip na bakit ang canton kulay dilaw... ako rin anghugas ng pinagkainan ko at bigla na lang maiisip na kinaugalian ko na kausapin ang mga pinggan na kahit kailan naman hindi ako sasagutin. oh man...

hay... bakit ba kasi kailangang sumaya... bakit ba naimbento pa yan...

naghihintay ata ako sa wala. meron ba akong dapat hintayin(?), yun ang dapat na tanong... para akong maiiyak na hindi ko malaman, parang sasabog ang puso ko na hindi ko maintindihan. minsan parang gusto kong unawain ang lahat, na kaya kong tiisin ang mga nararamdaman ko, gusto kong intindihin na ang bawat gagawin ko me kasamang saya at/o lungkot... siguro nga naghahanap din ako ng problema gaya ng karamihan. sanay kasi ang mga taong nakikita akong masaya, maingay, parang wlang problema. hindi ako nagtanim ng galit kanino man, bakit ko gagawin yon, kung baka mamaya oras ko na...

nagsasawa na ko sa ganitong set-up ng buhay ko, na naghihintay pa rin ng pagbabago ng kapalaran. lahat na yata ng tao panay tanggi, puro denial. hinihintay ko yung araw na mafa-flatter ako ng sobra-sobra... yung tipong sasaya ako dahil me nakakapansin sakin ng pagbabago rin. pero parang malabo... kaya nga ba gustung gusto kong umuulan e. nakikita ko ang sarili ko sa ulan. kung gaano ko kasaya pagmasdan ang masakit na katotohanang hindi ko maikakaila.

sana lumaya na ang mga tulad kong nababalutan ng pag-aalinlangan... ng takot. takot na masaktan...

ngayon lang ang dramang ito... susubukan kong tiisin ang sakit. ang pangungulila... ang pananabik... ang saya...

hindi ako sanay pero... susubukan ko ang salitang 'pagbabago'...

gusto mo sumama ka pa...

You Might Also Like

1 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...