anuhan at ganyanan
Tuesday, January 13, 2009 matapos akong bigyan ng "moral support".
sa bahay: pasado alas-dos ng hapon kanina:
*usapang bahay*
Mama: Sige na huy, bayaran mo na yung ano--
Kuya: Bigyan lang kita ng ano tas dagdagan mo nalang.
Mama: Ano ba yan naman (naiinis na at nabbwisit)
Kuya: (nanonood ata... naririnig ko lang ang conversation sa kwarto ko)
Mama: ikaw gamit ka ng gamit ng ano tas di mo ko binibigyan! Puro ka gastos!
Kuya: (no response)
Mama: Maputol sana yan!
Kuya: O eto na.
Mama: ano pa, isa pa
Kuya: wala na
Mama: Jul!
Kuya: (naglambing ata kay mama)
Mama: ARAY WAG MO KO GANYANIN!
Kuya: OA ka 'Ma hindi naman kaya noh
Mama: Ginaganyan mo ko mamaya matumba ako
Kuya: o Eto
Tita (boses mula sa malayo): Loko ka Jul pag nauna yung ano nyan wag mong ganyanin
Kuya: Ikaw rin ganituhin ko
Tita: ay nako dibale na
Kuya: HAHAHA
Mama: Tignan mo yang ano mo oh ang itim! Pwedeng pagtaniman!
Tita: HAHAHAHAHAHA!
Mama: Maligo ka na samahan mo ko sa ano para matapos na to
Kuya: eeeeeeee...... kaw na.
Haaay...hindi ko kinaya ang medium of communication ng walang visual aid. ka-lampungan ko ang pc maghapon magdamag at hinihiling sa autocad na magtrim ng mabuti, magsnap sa dapat i-snap dahil traydor ang mouse ko.
....sinara ko na ang pinto, at nakinig nalang ng rock music.
14 comments