praise GOD

Wednesday, April 09, 2008

kanina ginulantang kami ng kabilang kalye...

oo. kung nakikinig ka ng radyo o nanonood ng tv kani-kanina lang, alas-10 ng umaga, nag good morning sa akin ang napakamakapal na usok.

yep, nilamon ang mahigit 20 kabahayan ng sunog na parang walang awa.

halos lahat ng kakilala ko na taga-benitez [street sa kabila namin], ay biktima ng makapal na usok na yun... pero buti walang nasaktan... at buti nalang ang iba hindi nadamay ang bahay. nakakatakot... ilang gas tank ang sumabog. akala namin aabot sa bahay namin. buti nalang... as in masasabi ko pa na BUTI NALANG.... to think na dati, banda dyan kami nakatira. kung saka-sakaling nandun pa rin kami sa spot na pinangyarihan ng sunog, wala na akong laptop para i-blog pa ang mga sinasabi ko ngayon...


ang nasa picture sa itaas ay ang sinasabi kong usok.. walang-wala pa yan sa lagay na yan... pero mga 20 minutes before yan para kang nakakita ng 80% grayish na cumulus clouds at may kasamang mala-Gas na ambiance ng tag-araw... whew...


iba talaga pag malakas ang pananampalataya. thank God talaga... i love you!

You Might Also Like

14 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...