Anghel
Saturday, March 22, 2008Tumigil ng panandalian,
Igala ang paningin at huminga ng marahan.
sa kabila ng pag-ahon ng bagong damdamin,
magpanggap, magsaya, maglibang ng
walang hanggan.
mabali ang pakpak di iniinda,
hinilom niya ang sugat na wala naman pala.
walang magawa, walang pahinga,
hindi paaawat sa binubulong ng nadarama.
tumigil ang oras, langit ay bughaw na,
humupa ang galit nang dahil sa kanya.
nahulog ka ng hindi sinasadya,
ngunit ang pagkalong sayo hindi niya magawa...
itigil na ang panghihinayang,
nagwakas na ang sandaling kalungkutan.
tinatawag ka na ng iyong mga kaibigan,
pagdikit sa pakpak mo ika'y tutulungan.
pigilan ang nadarama sa tuwing tinatawag ka niya,
ihanda mo na ang natatanging baraha.
ikaw lamang ang makagagawa ng perpektong kurba,
magugulat ka nalang, masasabi mo bigla...
"Boy...
...ngumingiti ka na naman pala..."
--testimonial ko ito sa isang taong malapit sakin, 2 years ago...
pakiramdam ko, nauulit na naman ang scenariong ito... pakiramdam ko lang naman.
oh well... malaya naman ang pilipinas...
4 comments