may dalawang taong nagkukwentuhan sa eksena. ang mas matanda ay nagkwento ng isang 'di nya malilimutang talinhaga.
nag-imbita ang hari ng mga naggagandahang prinsesa sa kanyang palasyo. habang papunta, ang pinakamagandang prinsesa ay dumaan sa harap ng isa sa mga kawal na naroroon. napa-isip ang kawal at sinabi sa kanyang sarili na kahit kailan hindi niya maabot ang tulad niyang tila langit dahil siya naman ay lupa. ganun pa man, sinabi nya sa prinsesa na walang halaga ang mabuhay kung wala sya. ang prinsesa ay natuwa, kaya naman hinamon niya ang prinsipe na kung kaya nyang magtagal sa ibaba ng kanyang balkonahe ng isang daang araw ay pakakasal sya rito. tinanggap ng prinsipe ang alok ng magandang prinsesa, kaya naman dumating ang isa, lima, sampung araw, nanatili siyang nakaupo sa ibaba ng balkonahe habang pinagmamasdan lamang siya ng prinsesa. kahit minsan, ang kumain para malagpasan ang kanyang gutom ay hindi marahil dumadaan sa isip ng prinsesa. umaraw man o umulan hindi siya umalis... kahit iputan na ang ulo niya ng mga ibon at kagatin ng bubuyog, masugid niya itong hinintay. ang mga gabi niya'y puno ng pagluha, pagtitiis para lamang sa kanyang minamahal.
hanggang sa dumating ang ika-99 na gabi. nanatili syang nakaupo roon, ngunit nakadungaw pa rin ang prinsesa sa kanyang balkonahe. nang gabing iyon napagpasyahan na ng kawal na bitbitin na ang kanyang upuan at lungkot na umalis sa kanyang kinalalagyan.
kung bakit sa huling sandali ng paghihintay naisipan nang sumuko ng kawal, doon tinapos ng matanda ang kanyang kwento.
nagtanong ang mas nakababata sa kanyang kaibigan makalipas ang ilang araw. "ngayon naiintindihan ko na kung bakit umalis ang kawal sa bandang huli..."
"bakit?" lungkot na sabi ng matanda.
"sa lahat ng dinanas na pagtitiis at paghihirap ng kawal, sa ika-99 na gabi naisip nya na kung hindi tumupad sa usapan ang magandang prinsesa, pakiramdam niya mas lalo lamang siyang masasaktan.
"minabuti na lamang niyang itigil ang pag-asang kahit naman kailan hindi niya makakamit sa buong buhay niya. kaya sa halip na tanggapin ang katotohanang hindi niya maaaring ikaila, mas ninais nalang niyang masaktan ng pisikal, magutom hanggang sumuko't lumisan sa pag-ibig na alam nyang wala siyang kalaban-laban."
(galing sa aking abang blog, http://abbeydazzled.blogspot.com nang aking subukang mag-remenisce...)
p.s.
gusto kong buhayin ulit ang blog kong yon. -_-'