month-ender.

Friday, June 30, 2006

dahil ito ang huling petsa ng hunyo 2006, me entry ako.

maraming nakakatuwa at "nakakatuwa" pa ulit na mga bagay ang gusto ko ikwento sa month-ender special ng blog kong ito. (dahil malamang matatagalan ko ulit ang next update... ika nga ni mong, warnings for "semi-active" blogs. lol)

at mejo nahawa ata ako ke bob ong ngayon (kakatapos ko pa lang basahin yung ABNKKBSNPLAKo?! kaya ako late naka-OL) eh why not mag-narrate. ito nalang ang nakakaalam sa mga drama ko sa buhay... forget about that drama entry below for a while.

for a while.

bakit yung nangyari nung lunes hindi ko na maalala? ah tama... sa eng108 gumawa ako ng brochure sample ng binigay na problem, which is yung pag-eendorse ng mala-Autocad na software. waw... naging advertising at ala business-minded kami at the same time nung mga oras na yun. tapos nun sa HOA discuss pa ring walang kamatayan. sabay kaming umuwi. anu ba ang ginawa ko nun sa net at hindi ako nakagawa ng concept sheet sa design the following day? tama. chikahan sa ym. produktibo...

na-feel ko maging THOMASIAN in an instant nung martes. inimagine ang mga bagay-bagay at mga certain "what-ifs" sa pag-uwi mag-isa. nagawa ko ang concept shit--este sheet sa loob ng LIMANG oras nung umagang yun. napasa ko, na kulang ang space programming dahil giniling na ang utak ko sa kaka-compute ng total areas na considered. yebah. me mga nalalaman pa kong ganun-ganun. hahaha. tapos nun nagbreak. nantrip kami sa main building ng eskwelahan at sa tatlong taon kong pamamalagi don nung martes (NA MAALIWALAS PA ANG PANAHON) ko lang nalaman na merong "canteen" sa itaas nun, tanaw ang buong uste. oo buong USTE. ang taray no... halos mayayakap mo na yung mga rebultong mga nasa tuktok pag nasa baba ka. napansin kong andami nilang kinalbong mga puno sa pagbabago ng buong university campus. kamote.

matapos nun inalala ko pa ng mabuti ang mga kabutihang ginawa ko sa loob ng isang linggo dahil sa assignment ko sa sociology na "do something good." ayos eh no. pati yung 1x1 pic ko na sa sobrang rush sa celphone pa ni geran ako niki-pix at pina digital print. sampung piso. waw. at swerte ko, natawag ako ni prof para sabihin ang KABUTIHANG ginawa ko. swerte talaga ang mga puting buhok ko. nyay. pero ang pag-photo shoot nung house blessing (see da previous entry) ay hindi na masama. hehe. ayos. solve. takte yung next subject ko me assignment din. humugot nalang ako sa isipan ko ng matinding design philosophy. yare. pero oks na. at dumating ang last subject sa "gabing" iyon... anak ng scientific calculator--bumuhos ang nagwawalang bagyong Domeng!! ang ironic, kasi about active heating system kami ng bumulusok si mang Domeng the thyphoon... ang saya, buti nalang ok na ang mga locker at nakapag-hide out ang T-square ko. menos alalahanin. pero ako paano uuwi. isla ang uste, dagat ang espanya at sapa ang morayta... mas matindi pa pala sa recto... ocean na.

anu bang happening nung wednesday? ah, nakagala ako sa sm makati at glorietta ng di-inaasahan. naghanap ng 6750 bldg. sa ayala avenue, at nabadtrip sa LRT line 1. puno ng pulang marks ang plate ko sa building tech nung hapon, at nilagyan pa ng sarkastikong"smiling face" ang nakakainsultong swimming pool ko na bawat kaklaseng titingin ay napapangiti. lagyan ko raw ng radius ang bawat kurba at saang point ko kinuha. umaambon na naman ng gabing yon. natripan kong bumili ng yakisoba at C2 green bilang temporary-ng hapunan. kinuwentuhan ulit ako ng "tulungan mo ako" voice back-up sa celphone ni rick na sinamahan ko pa ng panalanging sana-makatulog-ako-mamayang-gabi paglaon. dinismiss kami ng maaga. nainggit ako sa libreng "microsoft" jacket ni albert na nakuha nya sa seminar sa 6750... ang astig. bilang sukli sa paghanga ko, pinwersa ko syang manlibre ng pamasahe sa fx. wahahaha. sori at salamat.

nagdrawing na naman kami at nagkulay sa humanities-ala-back-to grade-1... nagquiz sa HOA na testing lang daw pala. nung papauwi napahiya pa ako sa mga batang ugaling magpunas ng sapatos pag nakatigil ang jeep at pipilitin kang mag-abot ng limos. ayoko pa naman ng ganon. kasi parang alam ko na ang mangyayari sa pera. mapupunta sa ibang kamay. mas gusto ko mag-abot ng pagkain. eh me extra tinapay ako... inabot ko na, tinanggihan ako... muka na akong bidang naging antagonist din sa huli. dahil ba me nag-abot na sa kanya ng magic flakes? kung alam mo lang na nilaglag din nya sa daan yung kawawang magic flakes na yon at sumakay ulit ng jeep para magpunas ulit ng mga sapatos ng iba... bakit ganun... para tuloy nakinita ko na kung binigay ko yung gardenia ko sa kanya eh aspalto rin ng kalsada ang nakinabang... nakakapanghinayang.

nantrip kami ni albert sa bagong SM Hypermart bago umuwi. binilan nya ko ng pillows (na kasalukuyan kong kinakain dahil d ko pa maubos-ubos). sweet. hehe. belat. ito rin pala yung araw sa linggong ito na nakaramdam ako ng konting pagninilay-nilay at maraming tanong sa isip... or shall say itago natin sa term na "self-pity."

friday... na-adik ako. na-late sa english na ok lang naman pala dahil di ganun ka hardcore ang nangyari. na pede pa mangyari ang isang simpleng recitation sa ibang araw. akala ko naman nag intro na sila sa thesis proposal. kaya ayos lang ma-late. naadik naman ako. kung hindi mo alam kung bakit, wag mo nang alamin. haha. me quiz kanina sa theory, at lecture pa rin sa building utilities... passive heating. dinismiss kami ng maaga. sarap. nakisabay ako kina geran at nag TY ng marami sa nanay nya. salamat ulit. nakauwi ako ng bahay ng alas-diyes pasado. dumaan ako sa bahay nila limey--da churchaholic. pagpalain ka sana.

katatapos ko lang basahin ulit yung Aba.. nasabi ko na ba?


sa susunod na apat na oras kelangan ko na maghanda ulit sa pang-umagang klase... mag-iimagine na naman ako ng mga kalokohang ilalagay sa museum. anak ng rechargeable batteries...

nga pala... hapunan ko, unan na hindi ko pa rin ata mauubos, isang basong tubig na refillable na galing sa ref at oxygen. masipag silang magluto. inaalala nila ang mga latecomers sa bahay gaya ko. may kanin, walang ulam. para tuloy gusto kong sumali sa "Meal, or No Meal?"

dumadami ang pimples ko. oh buhay... salamat, buwan ng hunyo. salamat, blogger--sa nobela.

season ko na. hello july. =)

You Might Also Like

1 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...