humiliating lucky day...
Saturday, December 03, 2005[ [ k a n j i t e :: sobrang inaan...tok. ] ]
[ [ u t a :: tunog ng electric fan... ] ]
wait. :: hahaha! natawa ako sa report sa tv... hahahahahaha!!!! teka lang..
11:40.
natawa ako dun sa ale, ayon sa report nagbebenta daw sya ng pabango.. pero nung binuksan yung parang mga "lata", green peas ang laman... ang weird sobra.. basta yung pagkakakwento natawa ako, kase hindi yun joke, as in in real life! hahahahaha! anywayss....
grabe. akala ko late na naman akong aabost sa BT. never naman ako na-late dun pero shempre iba na yung sigurado. ayokong sumayaw ng darna sa harap no. kanina talaga, natakot ako nung nilapitan ako ni arch. lee at pinaalis ako sa upuan ko. no, it's not what you think: tinulungan nya ko with the plotting and designing the plan. kahit na ganun nahihiya ako and at the same time nanliliit sa sarili kasi parang kitang-kita nya na hirap na hirap ako--pero dude, masking tape pa lang ang hawak ko nun... ididikit ko pa lang sa lamesa yung tracing nang maisipan nyang "pagtripan" ang pananahimik ko. hahaha... pero ganun pa man, i felt lucky na rin, because i've learned so many things about drafting by just mere watching him do the plotting for me.
kwela pala si sir! habang kino-coach niya ko on what techpen to use sa pagplot ng mga puno, tinanong nya sakin kung anong banda yung kumakanta... (btw, gabo brought his stereo.. sabi kasi ni sir last time para me sounds... =)) ) sabi ko... "sir, Hale po." (at that time the song was "Kung Wala Ka") sabi nya.. "ano!? hmm... laseng yan." tawa ako ng tawa sa kanya... sabi ko ulit... "eh sir, sikat yan ngayon!" he ain't got enough, humirit pa ulit ng isa.
sir: nahh.... eh ako rin eh, me banda. yung point 2 nga...(techpen)
ako: wah, sir... di nga, (sabay abot ng point 2) seryoso...?
sir: (me halong yabang sa tono) oo... (nagpaplot ng puno)
ako: weh hindi nga?
sir: parokya ni edgar...
ako: (tumigil ang pagdaloy ng dugo sa utak) ... ... --??
sir: banda ko yun!
ako: --...huh...?? (nasa matindi pa ring pag-iisip)
sir: diba "edgar" nga ako...?!! (FYI : his name is Edgar Lee)
--->biglang pasok si eyns..
eyns: (nakayuko, natatawa) si sir eh no, hindi ko agad nakuha bigla yung joke eh...
dun ako natawa. dun kaming nagtawanan lahat... =)) tas maya-maya tinanong ko habang abala sya sa paggawa ng isa pang puno...
ako: (tinitignan ang bagong plot na puno) ayus ah... sir, pede rin ba ko maglagay ng "kaartehan" dun sa likod? (kaartehan -> landscape)
sir: (hindi sumagot) hmm...
ako: ... (tinignan ni eyns yung plano ko)
eyns: ...?
sir: eh....
ako: ..?!
sir: ...yaan mo na to. nilalagyan ko lang ng kagaguhan tong plan mo.
tawa ulit kami. ayus eh no!!
in the end, nakakuha ako ng 1.50 sa both ground floor at roof plans... hehehe... not bad. =))
so what else... hindi pa rin tapos ang ngarag days ko... hay hay hay... bukas ko na balak simulan ang lahat ng trabaho... kaya ko to!!! waaaaarrhhh!
nga pala, ngayon pa lang nagsimula ang spirit ng xmas dito. me xmas lights na kami, pati garland na palibot almost half sa pinto. hehehe...
ngayon ko lang rin pala naipakabit yung straight edge ko... ito na ang simulaa!! wahaha... gudlak satin.
i, soon will vanish... and before you notice me, i'm on my way out...
0 comments