talking about sacrifice + eskandalosang kring

Wednesday, November 16, 2005

-pano kaya pag naunahan ni _____ si _________?
-ang tanong, sino ba ang nasa puso ni bugoy?
-kahit sino mauna...
-yun nga...
-hindi naman lagi ang nasa puso ang nananalo...
~a spoiled conversation from two of my close friends about me



pinoy big brother hangovers...

ka-elibs si cass kanina. she really wanted franzen to remain inside the house instead of her. ewan. kung nung dati asar ako sa kanya, ngayon nag-iba impression ko about her. i really find her what really a true kind person is. na willing magsakripisyo for the sake of others. that's what a reality show is calling us for. pano pa kaya kung in real life situation na? sa pinakita ni cass na willing sya mag-voluntary exit just for franzen, that must mean really something. saludo ako sa kanya.

and as for franzen, kung ako sa kanya mahiya naman sya sa balat nya... gagawin ng isang tao para sa kanya ang lahat maiwan lang sya dun, pero anung ginagawa nya? noong una naintindihan ko sya kung bakit feeling nya lagi syang napagiinitan. but when you come to think and analyze the other side, maling mali sya. makakalimutin, o sadya lang talagang pasaway. if i were him, do his exit. kahit tawag pa yun ng pangangailangan. imagine! cass would sacrifice her possibility of winning about 5 MILLION peso worth of prizes sa competition na yun

all for franzen? he's not worth it.


awww... enough of pbb, let's see what have i done productive today.

Plane Surveying kanina. halos dinaig ko ang ulan kanina sa pagmamadaling makababa galing sa tren. haha, nothing's new ika nga... but that time i was thinknig and imagining myself standing outside room 411 ng 2 hrs at walang attendance ke Eng'r. Eugenio... no way. kaya yun. tinakbo ko na yung catwalk just to made in time--only to find out na wala pang professor dun. ok lang. at least i made myself in time.partida nauna pa ko sa mga 'usuals' na kagaya ko na late ng 5-10 minutes.

"ano ang pace factor mo?"

prof arrived mga 7:15 something i dunno. he taught us then how to know ang nagbabagang tanong na yan sa utak ko. he made calculations: simple yet effective. sinolve namin kung anung dimension ang nagagawa ng simpleng paghakbang mo..then matutuwaw ka kasi kahit wala kang metrong dala, malalaman mo ang tentative distance ngisang lugar, bsta lang ba me calcu ka--for bigger number solutions... me trials kaming ginawa, at tinest namin yun sa 100m sa catwalk. hindi ko nga namalayan na i did 10 TIMES trial na dapat supposed to be 5 lang. well, sabi naman kasi the more the accurate. in the end i got 0.68m per step. so, 0.68 ang normal walk ko. wow. after nun sinukat namin ang buong soccer field without using any instrument. galing no? kapagod pero masaya.

barkada decided to eat at kfc nalang. hehe, wise ako me baon na ko. tipid mode yata to hahaha. brownies fanatic nila ko kaya yun lang ang bnili ko. to cut this short dahil inaantok na ko at magbabasa pa ko ng lj ni daryl, while maynor and beng were gone para magpunta sa st. thomas square, at while waiting for chris kasi kumakain pa, eyns, me and kring were left talking, since geran and zarah went home. kring borrowed my mp3 player. ewan ko kung tinodo nya yung volume... well i guess tinodo nga nya yun! hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan. kanta pa sya ng kanta ng orange and lemons songs nun nang mapansin nya yung jersey ng isang kumakain sa me harap namin banda... 'ALFABETE' kasi yung surname.

"OI TIGNAN NYO OH, NAKAKATUWA YUNG APELIDO NYA, ALFABETE, PARANG ALFABETO!!!"

taena, kung alam mo lang ang pagkakaiba ng bulong sa normal na boses at sa kasiyahan ng paggamit ng mp3 player to da maximum level, hindi kita sasakalin pramis... LUMINGON YUNG MAMA! PASUBO NA SYA SA KANYANG RICE BOWL MEAL NANG MATAWAG ANG ATENSYON NYA NG ISANG.... WAAAAAAAAAAAAH!!! at eto pa ang masama! NAKA-EYE CONTACT KO SYA! KAMOTE! para akong sasabog sa kahihiyan! kung pede lang ako maging ICED CREAM DUN natunaw na ko! banat pa ulit ni kring.. "MALAKAS BA BOSES KO????!" nasabi ko nalang ke eyns na wag na sya lumingon kasi baka hindi ko na mapigilan pa ang tawa ko. hell pare, hindi ko na talaga napigilan...!!!! pero kahit ganun parang me daga sa puso ko na in any moment would be chased by a cat sa sobrang kaba. ako ang nahihiya para ke kring, but then it was a total fun! sheesh! eskandalosa!

yay, showing na ang HP and the GOF!!!

You Might Also Like

4 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...