balewala........

Sunday, October 09, 2005

ewan ...
...ewan
... ...ewan!


naranasan mo na bang...

...ma-nail polish-an ng sandamakmak na mighty bond sa kuko?
...mabagsakan ng kawayan sa paa?
...ma-cutter ang sariling kamay sa paghiwa ng kawayan?
...na habang dumudugo yon life goes on pa rin sa disoras ng gabi?

eh ang...

...halos maadik ka na sa amoy ng spray varnish?
...umakyat panaog sa building ng nakatsinelas?
--ops! pero sa pangatlo pa lang nasita ni mamang guard?
...gumastos ng mahigit phP200 sa research?
--ops ulit! pero hindi man lang binuklat ng professor mo?

eh ang magbitbit ng...

...bag na pula
na me lamang18 pcs kurecolor na pabigat
at me cloth bag ka sa kanang balikat mo
...na me tracing sa loob, at kung anu anu pa
at me paper bag ka sa kanang kamay
pero me 15x20 kang boards na yun din ang may hawak
at sa kaliwa mo,
ang model ng buong pinaghirapan nyo na otsenta lang ang grado?

tas sasakay ka ng tren...
buti me magandang loob na lalakeng me gf (buti di nagselos) ang nag-offer ng upuan...
tas pagtitinginan ka dahil sa hawak mo... ewan kung hinahangaan ka ba o may gana pa silang kaawaan ka sa itsura mo...


pano naman kung...

...kinabukasan nun nalaman mong baon ka na sa utang sa class fund?
...me plate pa pala sa rendering?
...me assignment pa pala sa building utilities??
...finals na pala?

...nalaman mong hindi ka pala nag-agahan?
...birthday pala ni geran?

...bagay ke rick ang shoulder bag nyang lacoste?
...ang iniilusyon kong pulang arki payong na binibenta ko noon lang ay pinampremyo pala ng prof ko sa mga kaklase ko?

ANG SAKLAP!


tapos nun hindi pa ko natutulog

tapos ung kaisa-isang taong gusto kong makasama, inaantok na. natiis ko ang mga araw... na hindi sya kamustahin. para tuloy ang sama-sama ko. hindi ko na sya napapahalagahan gaya ng gusto ko... gusto ko sya makausap pero baka sya hindi! namimiss ko na sya! pero parang gusto ko nang maiyak kapag nararamdaman kong tinatamad na syang kausapin ako....

pigilan na sana ako... ayokong dumating yung araw na,...

hindi na ko magpaparamdam...



wag sana nyang pagsisihan.

ayoko rin kasing magkaganon ako... kasi alam ko sa sarili ko, hindi ko kaya...




tapos na ang usapan.

You Might Also Like

2 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...