reality bites... sometimes you just have to accept it.. .

Saturday, May 14, 2005

currently listening to: Life Support ~Hale

pagkatapos naming mag-usap ni pao (my guildmate in pRO) sa ym, celphone ni mother dear tumunog. nakaka-annoy na talaga kasi, ang haba ng "My Immortal" para maging text alert nia. alam mo yun, parang whenever you receive SMS's, malungkot ka! parang "ahuhuhu, me nagtext na naman--ang saklap!"-ang dating! but, kidding aside, it was really and earth-shaking-shattering news. mama was sleeping already, pero naalimpungatan. i still got her phone and read the text. naguluhan ako kasi ilocano text nakalagay, but then i know some... and it says something like "patay" na at "tawagin na other relatives.." sabi ko sa nanay ko, read it for us. she ordered me to get her glasses, pero i cud sense naman na nababasa nya kahit wala ang mga iyon. then her phone beeped again, but this time, it was clear saying that my cousin--kuya jess-- had passed away.

lahat kami sa bahay, na-shock. hindi pwede mangyari yon, coz last monday, he even gave us a ride on his tryke on way at the waiting shed sa kabilang bayan para mag-abang ng bus going to manila... kabiruan ko lang sya nung sunday, nung araw ng kasal ng pamangkin namin (uu, me niece na ko.. mga anak ng cousins kong matatanda na), and stuff... then all of a sudden. he's gone.

tinawagan ni mama yung nag-inform sa amin, si kuya james--younger bro ni kuya jess. he said, he's sort of having a heart attack, which was really impossible. sabi kasi nila nanigas daw ang sikmura nya, and sinugod a town for twice. ung pangalawa, sa isa pang malayung bayan na yun. eh ang mga bayan samin, malalayo talaga...

nung una d ako makatulog... but then... kinaumagahan, kanina nagpunta kami makati, sa office ni ama para magpadala ng sulat about my phil-am etc... tas nilibre ko ni kuya sa G4 ng lunch. sa mrt nakakatawa kasi nagka tech prob ang train, so made-delay ang alis. me dumating na bagong train, but the OP said, "manatili". makulit yung iba e. lumipat sila sa kabila. pero kami matibay. nakaupo pa rin kami. mabibilang mo na lang mga natira, including us... pero the OP came in. nag-regen, and boy, ang mga lumipat kanina, nagsibalikan! tawa kami ng tawa ni kuya jul, as in SOBRAng tawa, na ung iba, can't help but to laugh with us...

bespren Avon and her sis abby will go to UP mamaya. sasama ako! hehehe... kaso mejo nagka-conflict pa kami ni Avon, kasi ako, bka hindi magising ng maaga... tulog-mantika ako e. pero sinabi ko naman sa kanya na sasama ako. hay! Avon, kaw talaga... i understand kung yaw mo umasa, pero aasa ka nga! kasi sasama ako! alrightie? peace na tau. lam mo naman, mejo tungaks pa ko sa bad news...




sa RO...

ayun, ok naman. nagbenta nung una, tas sumama sa gh; kina bert, eman, ces at rich... salamat sa inyo... thanks for the company. at sa walang sawang pagresu sakin. ^__^

sa pagmumuni-muni ko ngayon, ang dami kong natutunan na lesson... if it is your time, it's God's will. alam mo yun, wla ka nang magagawa, kapg sa isang iglap, iniiyakan ka nalang pala ng mga mahal mo sa buhay. sa isang hugutan lang ni Lord sa buhay mo, hindi ka makaka-hindi. kaya habang buhay pa, pahalagahan ang mga taong nakapaligid... you may not know... it's your last. and the worse thing is, you haven't told them how much you value them too...

still, life goes on. . . ok na ako ngayon.


oh man... what friday the thirteenth can do to our lives... no way... it's by fate.

Aza Aza Fighting! -galing ke eman... (ang naruto kani-kanina lang...) si hinata, anjan lang yun. ^__^

we just have to accept it. kaya mo yan! - sabi ni bert... (salamat lolo!)

You Might Also Like

1 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...