nangitim ako....>_<

Thursday, May 26, 2005

i am feeling: tired (as usual), annoyed waiting for this RO patch to be finished, sleepy...
currently listening to: Shiawaseni Narou ~Utada Hikaru

recap... happenings sa wake at interment ng cousin ko...

nakarating kami nung sunday (may 15) sa pangasinan mga 3pm na. katatapos lang umulan nun. kya ang rubber shoes ko at that time, sinalubong ng putik... yebah.

when we got to the spot, mom can't help but to cry... i was there to comfort her, pero kahit ako di ko napigil nung bigla kong makita yung fave sunglasses nia... then after that we rest for a while sa bahay na pinaka tinutuluyan namin... ganun ang setup ko ng isang buong linggo... kung wala ako sa lamayan, senti trip ako sa rooftop. yap! read it right! ang natatangi kong hideout. ganda kasi don.. (kahit na ako lang ang nagsaabi)... haha, u can't just get those artistic nerves out from your system.. naks!

grabe nung mga panahong yon tila ang celphone ko magkakaron na ng lumot! kulang nalang tamnan na ng patatas at kabute dahil walang nagtetext!! tas almost my relatives were smart users... eh uso pa naman yung "258" unlimited text, so i borrowed the number i used to have (binigay ko na kasi sa province yung smart sim ko) and nag-unlimited. two of my best buds Avon and Madie were smart users, kaya naki-jamming ako...

what else... kung wala ako sa bubong, hinihiram ko bike ng late uncle ko, tas stroll-stroll... sa malawak na bukirin... wow, province na province! hehe... then last two wakes left, mom said i'm going to be taking shots of the interment. parang ayoko. but then nangyari na, ako ang nagkukha ng mga litratong puro iyakan at lungkot ang makikita.

sang-ayon ka? mas masarap kumuha ng litrato ng mga matang buhay kesa sa mga matang, buhay nga, pero matamlay...

all in all, it ended so smoothly, shempre di pa rin maiiwasan ang mga iyakan at hiyawan...

ito lang e... sa isang linggong itinagal ko dun, homesick ang inabot ko... nangitim pa ko lalo!! goooooodnesss!!!

hope kuya jess' resting in peace now...

til then...

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Featured Post

Kitchen Appliance and Gadget Haul (and mid-year Favorites!)

I think it would be such a delight to share with you  (or if there's any keen readers, following this blog)  what we got recently in ou...